Ilo-ilo







































Lumuwas kami ni Daddy papuntang Ilo-ilo sa Duenas para puntahan si Lola. At kung kailangan sunduin.

Nagtaas ng pamasahe ang mga eroplano. Tiger Air ang sinakyan namin. First time ko sa eroplano. Maganda yung eroplano at di ganun kagulo dun sa waiting area nila. Karamihan puro Pilipino kami dun sa eroplano.

Pagdating sa Ilo-ilo parang wala naman bakas ng bagyo nakatayo naman ang mga puno.

Ayos naman si Lola pagdating namin dun. Basa lang yung ibang gamit na nakabilad. Karamihan ng nasira na bahay naman sa Ilo-ilo ay yung gawa sa light materials. Mga bahay na kawayan at iba pa.

Sa Duenas wala naman masyado. Sa Passi ang dami palang tao dun.

Nakita lang namin yung ibang nabagyo nung paluwas na kami pabalik. Sa bus.

Nagikot na rin kami. Pinuntahan nung mga kamag-anak namin dun. Karamihan pala ng kamag-anak namin kay Lola ay mga teacher.

Ang hirap matulog sa barko ang bilis magkaubusan ng silya. Humihiga kasi yung iba. Pero masayang naexperience ko parehas ang RORO at eroplano.

Natutuwa talaga akong makakita ng mga baka at kalabaw.

Yun tinulungan lang namin si Lola ayusin yung ibang gamit. Tanggalin yung mga langgam sa gamit. Ayusin yung pinto.

Hanggang ngayon wala pa ring kuryente dun at mukang matatagalan pa magkaron kasi madaming tumumbang poste ng kuryente lalo na dun sa north part ng iloilo. 

Disqus for Gerome Soriano