Future Market: Magoo







Today we talk to a good friend of mine Michael Diaz a.ak.a. Magoo or Magu. He makes amazing photographs through the use of infrared photography.  He is one of the many artist-seller that you will be able to meet at the Future Market @ Escolta. An event organized by 98b in it's effort to help revitalize old Manila.

Gerome Soriano: Pakilala mo ang sarili mo at ano ang iyong ginagawa?

Magoo: Ako si Michael Guezzo Diaz, o mas kilala sa tawag na “Magoo”. Mahilig ako sa pagdrodrowing, medyo meron din hilig sa photography dahil sa thesis.
Iyon nga, ang ginawa kong thesis (eh) ang “Infrared Photography”.

G: Ano ang “Infrared Photography”?

M: Ang “Infrared Photography” ay dating ginamit sa gera… yung pagkuha ng “Aerial Shots” yun… kung saan makikita mo yung mga kalaban ganun. So ayun ginagamit na siya for landscaping, tapos meron din mga  gumagamit sa portraiture, but mostly pang landscape talaga.



G: Ano itsura… Ano pagkakaiba ng ordinaryong litrato sa “infrared”?

M: Yung Kulay na macacapture, depende kasi kung converted ang camera mo mas madali mong makikita yung pagkakaiba from the normal… yung visible light... iyon ang makukuha ng camera pag hindi talaga converted. Ayun iba talaga ang kulay pag converted na. Ganun din naman pag ginamitan mo ng filter, yun nga lang kailangan mo pa rin gamitan ng “Photoshop”, dadaanin mo talaga sa “photo-manipulation” para maiba ang kulay.

G: Panong ibang kulay?

M: Kasi ang “Infrared red” ibang liwanag yung kinukuha (niya eh), yung spectrum nahahati yung ilaw na nakikita natin, yung “visible light”, tapos “infrared”… hindi ko na alam yung mas mataas pa dun eh. Basta yung “infrared light” lang yung pumapasok, tapos yung nasa normal camera yung sensor binoblock yung “infrared light” kaya ayun nakukuha yung visible light tsaka malaki ang epekto ng  infrared light sa pagkuha ng camera (litrato)… kaya binoblock talaga yun. Kapag tinangal yung filter (hot mirror) dun sa loob nung camera nakakapasok yung infrared, makukuha mo yung infrared light.

G: So kung kukuha ka ng landscape photo na infrared at ordinaryo ano magiging pagkakaiba?

M: Yung kulay

G: Pano? Kunwari yung puno ano magiging itsura nung puno?

M: Kung yung filter ang gamit mo pula siya so bale kailangan mo i-adjust yung white balance para matama mo yung kulay, pag converted naman mostly dilaw yung foliage, tapos yung skin ng tao kadalasan smooth siya kasi nagaabsorb siya ng light. (light from the sun)

G: Pano ka naman ng interest sa infrared photography?

M: Basa-basa ng magazine tapos may nakita ayun nainganyo sa kulay, atsaka medyo nakakatuwa rin kasi pwede mo siyang gamitin sa advocacy

G: Advocacy?

M: Sa mga puno… yung mga deforestation mga ganun. Iyon nga dapat i-thethesis ko eh, kasu medyo matrabaho at magastos kaysa sa e-introduce ko nalang yung infrared.

G: Anong… Bakit ka nainganyo dun sa kulay ng infrared photography, ano yung pakiramdam, anong emosyon  ang lumalabas pag infrared photography ang nakikita mo? Parang gera ba?

M: parang nasa ibang mundo ka, much like a peaceful scenery

G: kala ko ba ginamit siya sa gera

M: yung sa battle ginagamit siya, yung purpose niya para Makita yung landscape from the aerial, yung matangal yung fog, kasi pag ordinary camera lagn yugn gamit foggy. Pag infrared tumatagos kaya nakikita yung posisyon ng kalaban yung gamit ng infared dati

G: so ano gamit ng IR ngaun

M: Landscape ganun, though sa scientific naman ginagamit siya pagseasearch ng stars ganun, yung mga malalayo nay un yung gamit nila

G: anong mga litrato ang binebenta mo sa future market? Pano mo sila idedescribe

M:siguro yung ginamitan ko ng filter kasi natutuwa ako dun, yung mga converted naman medyo nanibago kasi mas sanay ako dun sa filter at medyo mas gusto ko yung kulay kaya ayun Masaya atsaka maganda, tsaka mas memorable siya kaysa sa ordinary.


Meet Magoo and other artist-sellers at the Future Market @ Escolta happening this Satuday August 17. Join the facebook event here:https://www.facebook.com/events/659613500729414/


Disqus for Gerome Soriano