Epic Adventure Post 5

98b Future Market Parallel Event

Yehey! My kite aerial photography work will be one of the Future Market parallel event on Saturday August 17, 2013. 

Punta kayo ha!

Madadala ko yung rig at kite ko kaya kung gusto niyo sila makita, kitakits tayo dun!

Riza Manalo

Kahapon ang napakagandang talk ni Riza Manalo sa 98b on Mobility and Belonging.

Sobrang galing ng mga gawa ni Ms. Riza. 

Sobrang emotive at expressive na kamuntik na ako mapaiyak.

1,000 true fans

Article sa technium tungkol sa kung paano pwedeng mabuhay ang mga artists mula sa ginagawa nila. 

Napakagandang article. Must read din yung mga update articles at discussions.

Sobrang napaisip ako kung ano ang mga dapat gawin at maging handa akong gawin kung gusto ko talagang mabuhay mula sa mga ginagawa ko.

Rest

Minsan nasosobrahan ako sa pag-push sa sarili ko na naaatake ako ng panghihina ng katawan at ng utak na hindi gumagana. 

Sa tingin ko tama lang naman na pinupush ko ang sarili ko siguro dapat lang mas dagdagan ko ang oras ng pagrerecoever ko.

E-mail on a Tuesday

Ang araw daw na mas malaki ang tsansang babasahin ang e-mail mo.

Cato

Nakilala ko si Cato mula sa mga heated but civil discussions namin sa Stoicism group ni Donald Robertson sa facebook.

Napakagaling ng kwento ng buhay niya. 

Dan Kennedy

Isa sa mga marketing gurus na pinagaaralan ko ang mga materials so far so good. 

Dahil sa kanya mas nahihimay ko ang ibang marketing concepts na dinaanan lang namin nung college.

Tim Ferriss

Ngayon napapadalas ang pagbabasa ko ng blog ni Tim Ferriss at madami akong natutunan.

Ramit Sethi

Sinasabi ko sa inyo kung gusto niyong tumino ang buhay niyo dapat magbasa kayo ng blog ni Ramit at mag-sign up kayo. 

Misleading lang ang iwillteachyoutoberich na title ng website niya kasi sobra sobra pa dun ang matutunan niyo kay Ramit.

Meetings and arguments

Nice to meet my friends every now and then.

And have heated arguments sometimes. Makes me stand on my ground more firmly and seal holes that my plans have that I can't see.

Ang galing din minsan kasi di talaga gumagana utak ko. Minsan nga napapaisip ako marunong pa ba ako magphotography?

60d

Ang galing ng 60d nakahawak ako eh. Parang Sony a35.

Marshall

Nagbabasa ako ng 33 strategies of war at ang galing ng mga great war leaders kung pano sila magtrabaho magisa at kasama ang iba.

Kung paano nila ina-address ang mga kahinaan ng mga teammates nila.

Isip muna kung ano ang gagawin bago buksan ang computer

Kung hindi kung ano-ano na naman ang gagawin natin at masasayang lang ang oras

Magu altered cards

Si kaibigang magu ng mga altered art cards at magaganda sila ha!


Disqus for Gerome Soriano