Business not a career

"is that they do not recognize and or respect the fact that they are “in business”.  It’s not a career!"

"is that they do not recognize and or respect the fact that they are “in business”.  It’s not a career!"

"is that they do not recognize and or respect the fact that they are “in business”.  It’s not a career!"

http://artistswhothrive.com/index.php/page/17/

Sinisipag ako magbasa ngayon at tinatamad gumawa dahil sobrang eneeeeeeeeeeeeeeeet.

Medyo matagal-tagal ko na binabasa 'tong blog ni Ann Rea na artistswhothrive.com marami sa mga idealogy niya and parehas sa mga inaadvocate ng lateralaction at artheroesradio.

Gustong gusto ko tong blog na to.


So nung mga nakaraang linggo pinagaralan ko at inapply ko ang mga simpleng principle ng Lean Start-up na nasagap ko kay Brian Clark sa entreproducer ata.

Ang pinaka-pagfocusan ko ay yung military strategy ni John Boyd dahil simple lang at madaling tandaan at military mahilig ako sa mga ganun tema :)) sa paningin ko kasi madaming values kang matutunan sa military history.

Ang simpleng principle ni John Boyd ay Observe-Orient-Decide-Act then repeat.

Ang importanteng parte dun para sa akin ay yung Act-Observe dahil dun nangyayari yung engagement sa labas ng mundo mo at dun nalalaman kung may mga pagkakamali dun sa plano mo. At dun mo pinaka-kailangan maging mapagmasid kasi dun mo mapupulot ang importanteng aral. At least para sa akin.


Balik tayo kay Ann Rea dun sa post na yun na pinanggalingan nung quote sa taas. http://artistswhothrive.com/index.php/2010/02/biggest-mistakes-artists-make-in-their-careers/

Ay tinanong siya kung ano ang biggest mistake na nagagawa ng mga artists sa kanila career. At ang sagot niya ay "is that they do not recognize and or respect the fact that they are “in business”.  It’s not a career!".

So ano nga ba ang career b. The general course or progression of one's working life or one's professional achievements: an officer with a distinguished career; a teacher in the midst of a long career.

At ang business naman ay a. The occupation, work, or trade in which a person is engaged: the wholesale food business. b. A specific occupation or pursuit: the best designer in the business.

Parang hindi nakatulong yun ah :) Sige para sa akin may career ka kung naka-depende ka sa iba. Kapag may parang ladder of promotion ka na kailangan akyatin. Kapag may regular salary ka na inaasahan at natatanggap kada buwan. Kapag may taong mas mataas sayo ang position na pinagrereportan mo regularly.

Ayun sakin ang career base kung paano ginamit ni Ann Rea yung salita dun sa post niya.

At ang business naman ay yung hindi ka sigurado kung magkano kikitain mo sa bawat buwan. Meron ka ring parang ladder pero mas parang elavator yun na naghinhintay hanggang lahat ng kinakailangan ay maisakay tsaka ito tataas ng mabilis. At kapag may kinulang ka pwede din tong bumababa ng matagal. Responsibilidad mong magevaluate ng sarili mo at magmonitor ng progress mo. Nakadepende ka sa maraming tao o organisasyon imbes na sa iisa.

Ewan ko ha pero para sakin mas mahirap yung business kasi kailangan ikaw ang sumisipa sa sarili mong pwet para umasenso ka at kapag di ka maingat baka matulog ka na lang at tamarin.


Naalala ko yung pag-uusap namin ng kaibigan kong si miko tungkol sa ano kong gustong gawin sa buhay ko. Gusto kong maging full-time artist.

Sabi niya ano yun parang freelancer. Sabi ko hindi.

Pinaliwanag ko na ang pagkakaiba para sa akin ng full-time artist at ng freelancer ay ang freelancer ay gumagawa ng bagay na inuutos sa kanya o kinakailangan ng isang specific na tao at kapalit nun sweswelduhan siya. Habang ang full-time artist naman ay ginagawa ang gusto niya at naghahanap ng taong mahihiligihan ang ginawa niya na handang bilhin ang gawa na yun sa presyong ikakasiya nilang parehas.

Parang ganun din ang pagkakaiba sa akin ng career at ng business.

Sa career passive ka naghihintay ng papagawa sayo sa business active ka ikaw ang naghahanap ng gagawin mo.

Disqus for Gerome Soriano