Future Market



Ang saya ng Future Market sa Escolta. Bakit masaya dahil nakapagdisplay ako ng mga gawa ko dun. Dahil nakasama ko ang ibang artists dun. Dahil may mga pumunta dun para sumuporta sa mga artists. Dahil nakabenta ako ng gawa ko dun. Dahil naibahagi ko ang istorya ng mga gawa ko dun. Dahil naipasa ko ang saya at ang mga natutunan ko na inilagay ko sa mga gawa ko. Dahil nabuhayan ako ng loob at ng pag-asa na pwede nga ako mabuhay at kumita ng maganda bilang isang artists.

Me holding a flashlight and talking to Irwin

Oo mababa ang mga presyo ng mga gawa ko na binenta ko dun kung ikukumpara mo sa presyo ng ibang artists sa ibang lugar. Pero simula lang yun. Ngayon bato ang pinapagalaw ng natin sa hinaharap mga bundok ang papagalawin natin.



Mas mahalaga sa akin na dahan-dahan at natural ang pagtanggap, pagkilala, at pag-appreciate ng mga tao sa mga gawa ko. Mas gusto kong ma-iexpose sila sa gawa ko at dahan-dahan lumalim ang pagintindi at pagpapahalaga sa kanila.



At para sa mga kapwa kong artists ito ang mga ilang bagay na na-obserbahan ko sa pagbebenta ng aking mga gawa dun sa Future Market.


  • Iba-iba ang trip ng mga tao. Wag mo silang husgahan mula sa malayo. Kung maaari subukan mo. Dahil iba-iba talaga ang hilig ng iba-ibang tao at minsan magugulat ka kung ano ang mga nagugustohan ng mga tao. Maging matapang ka at tandaan mo na magkakaiba ang mga opinyon ng mga tao. Ang pangit sa ibang tao ay maganda para sa ibang tao.
  • Preperasyon. Mahalaga ang preperasyon. Sabi ni Sun Tzu, ang magaling ng war strategist. ang magaling na heneral ay panalo na bago pa siya lumabas sa battlefield. Kailangan niya na lang lumabas at daanan ang kalaban. Preperasyon mahalaga 'to. Isipin mo. Imaginin mo. Ang mga maaaring maging problema mo kapag nagbenta ka. Ang magiging reaksyon ng mga tao sa pagtingin sa gawa mo mula sa malayo. Isipin mo hanggang makakaya mo. At gawin mo. Madaming tao (at kasama ako dito) na puro na lang plano (may mga limang notebook na ako na puno ng puro plano) pero wala namang katapangan para gumawa. Minsan tama lang na hindi muna gumawa sa dahilan na hindi pa kongkreto ang ideya niya kung paano niya ito gagawin. Minsan pero minsan takot ang tayo.
  • Ano ba ang ba ang dapat gawin? Anong plano da ang dapat nating ituloy? Paano ba tayo mamimili. Ito ang mga tinitingnan ko: May tsansa ba na magagalit sa akin ang ibang tao. May tsansa bang magkakamali ako. May tsanasa bang mawei-weirduhan ang mga taong hindi nakakaintindi sa ginagawa ko. At kung natatakot ka ba at naeexcite sa balak mong gawin. Kung gumagawa ang utak mo ng mga palusot para hindi mo gawin ito. Kung masaya ka habang ginagawa mo ito at parang lumilipas ang oras ng hindi mo namamalayan. Ayun ang iba kong tinitingnan pero hindi lagi totoo ang lahat ng yan sa lahat ng panahon. Ang gist ay: Kung naeexcite ka sa potential at napatunayan mong totoo ang potential na yun dahil sinubukan kang pigilan ng Resistance mo. Mga example: Pakikipag-usap sa mga tao tungkol sa gawa mo, panghihingi ng payo ng biglaan, pagpapakita ng mga gawa mo, panghihingi ng critic sa gawa mo sa mga taong nirerespeto mo at alam mo hindi na lang o-oo para lang masya ka, pagpropromote ng mga gawa mo, cold-calling. Ang dugas ko dito ay palitan ang hiya ng tuwa, saya, appreciation para sa gawa. Hindi pagiging arogante ha. Palitan ang takot ng aksyon. Dahil kapag may naiisip kang masamang pwedeng mangyari ang pinakamainam na solusyon doon ay pag-isipan kung ano ang maaring maging lunas at umaksyon para maiwasan yun mangyari. Pero mahalaga na maliwanag ka sa intensyon mo at hindi ka lang nagoyo ng kung sino-sino na yun ang solusyon para sa problema mo. Tulad nito kung hindi ka nakakarelate dito wag mo nang basahin baka makasama lang sayo. Mag-isip ka tiwala naman akong sapat ang katalinuhan mo para malaman ang mga sagot.
  • Mahalaga at nakakatulong at meron kang freebie. Sticker tulad kay kuya Anjo. Calling card at brochure tulad nung kela Camz. Maliit na portfolio yun sakin. Dahil masaya ang mga taong nakakakuha sila ng freebie. At masaya ang mga bumili kapag may dagdag ang iuuwi nila. Pero hindi lahat. Tsaka meron kasing mga "audience" na mahilig lang magtanong, mag-obserba at magkwento sa kanilang mga kaibigan. Hindi nga nila madadagdagan ang "art funds" mo pero pwede at may potential na maikwento ka nila sa mga taong makakagawa nun para kanila.
  • Mabili ang mga mas mura at maliit na gawa. Yung ibang nagpunta dun may budget na nakahanda at ang iba wala. Para sa mga wala na spontaneous buyer/art appreciator maganda na meron silang maiuuwi na magpapangiti sa kanila na kasya sa pera na natitira nila sa wallet.
  • Presentation. Sa tingin naging malaking tulong ang pag-papackage ko sa gawa ko. Na naka-mat sila. Naka-clear plastic. At pwede mo ng dalhin as is. Kaya next blog post ituturo ko yun. Wala naman kakaiba dun sa tingin ko nakita ko lang yun at natutunan sa kakaresearch tungkol sa pagbebenta ng art specifically photographic prints.
  • Ewan ko kung totoo talaga to. Pero napansin ko na nauunang mabenta yung mga gawa ko na makulay. Matingkad ang kulay. Tipong sobrang dominant ng isang kulay. Example, Orange sa mga Hot Air Balloon Festival kite aerial photographs ko. 
  • Sa calligraphy ko naman ganun din mabenta ang mga makukulay at madaling mabasa.
  • Pagkakaibigan. Ang pinakamalaking benta ko para sa Future Market ay mula sa isang kaibigan na nakikilala ko nung Behance/98b portfolio review. At sobrang pasalamat ako dun dahil masaya ako at masaya siyang at sa tingin ko, ipinagdarasal ko na magiging masaya din ang mga taong pagreregaluhan niya nung mga gawa ko. Pagkakaibigan sa tingin mahalaga yun. Sa mga tagalized na anime mahalaga yun mula ka Doraemon hanggang kay Dragonball Z. Ewan pero yung mga tumitingin at nagtatanong sa gawa ko parang ang tagal ko nang silang kaibigan. Ewan kung bakit? May "art connection". Ewan pero sa tingin mahalaga yun yung pagiging friendly. 
  • Hindi pumunta ang mga kaibigan ko na inaasahan kong magpunta at nagpunta naman ang mga kaibigan kong hindi ko inaasahang magpunta. Bakit? Ewan. Pero nakatulong na mag-stay positive para sa akin ang pagalalang pupunta si kaibigan ganito at makakapagkamustahan kami. Makakapagusap tungkol sa art at mga bagay-bagay. 
  • May bumibili ng photography as art sa Pilipinas. Ang sa tingin kong importanteng aspeto dito ay i-present mo ang photography mo as art. Ibig kong sabihin, ipa-frame mo yung iba, i-mat mo lahat, tratuhin mong art ang gawa mo. Mas madami ngang bumili ng photography works ko kumpara sa calligraphy works ko (siguro kasi pangit akong magsulat).
  • Madaming benta sa umaga. Ewan. Pagkakataon lang ata. Pero parang naghahaka-haka ako na pumupunta ng maaga ang mga taong bibili talaga ng art sa umaga dahil sa umaga nadun pa ang mga pinakamagagandang gawa. Nadun pa ang mga "treasure" sa art treasure hunt. Ewan nung nag-obserba ako nung art in the park. Hapon na ako pumunta parang ang dami ng nabawas dun sa mga nakadisplay.
  • Ito weird. Pero mas mabenta ang mga hindi naka-frame. Ewan pati dun sa ibang artists. Ewan siguro kasi hassle magbitbit ng nakaframe. O sobrang taas ng presyo ng mga naka-frame (ibang artists, choice naman nila yun at sa tingin nila ayun ang tamang halaga ng gawa na yun). Kaya sa tingin ko. Sa tingin ko lang ha mas mabenta ang artwork na naka-mat (dahil mukang art, "fine art", may level of protection, malinis tingnan) na nakasize sa generic sizes ng frame. 8 by 10, 8.5 by 11, 9 by 12 inches, etc.
  • Nakatulong ang ilaw. Ewan mukang nakakatawa at weird pero may dala akong flashlight at iniilawan ko ang artwork habang tumitingin yung ibang "potential buyer". Bakit? Dahil sobrang laki ng iginaganda ng mga artworks kapag maganda ang pagkakailaw sa kanila. Meron ngang isa na lumapit pa sa flourescent dun para lang makita ang artwork ng maayos. Next time magdadala ako ng flashlight na mas mukang conventional na ilaw para hindi naman mukang weird at nakakatawa.
  • Sounds. Yung sounds mainly para sa akin yun. Dahil alam kung nasapaligid si "Resistance" at nagaabang ng tsansang gawin akong depressed, bugnutin, at masungit. Nagdala ako ng sounds masayang sounds Sounds na "break the ice" ika nga. Mga phineas and ferb, doraemon, voltes v, spongebob, powerpuff girls sounds. It's the best day ever, the best day ever. Ewan pero sa tingin ko nakatulong din yun sa mga tao dun. Weird, dark, at depressing yung ibang sounds galing sa ibang source dun eh.
  • Price sa tingin ko mahalaga ang may price lists na nakalabas. At meron ako nun sa maliit na white board na nakadisplay. Dahil ako, personally, sa malayo pa lang tinitingnan ko kung kaya ba ng budget ko yun mga gawa. Mga komiks mahilig akong bumili ng komiks dati. At factor yun kung lalapit pa ako para tumingin o lalakad na ako papunt sa iba
  • Kite Aerial Photography. Uniqueness ng gawa mo. Sa tingin ko nakatulong yun sa akin. Hindi ko alam kung na-gets ng ibang tao yung ibig sabihin nun dahil konti ang nagtanong sa akin ng process ko. Pero nakita ko na ayun ang dahilan nung iba para lumapit at tumingin. 


Para sa mga mga numero at mga ibang strategies na gumana sa tingin ko. E-mail niyo ko kasi medyo hindi maganda na makita ng ibang tao eh.

Para sa mga art buyers/appreciators magdadala pa ako ng ibang prints na hindi niyo pa nakita nung May 25 sa susunod na Future Market o baka Saturday Market sa Escolta sa June 15 daw. Para sa mga interesado sa series works gagawa ako ng portfolio case package siguro mga 10 litrato ang laman na puro related sa isa't isa. Nakamat ng 8 by 10 inches. At baka may iba pang kasama.

Ayun ha see you sa June 15 sana hindi maulan at hindi mabaha sa araw na yun. Ngayon pa lang mag-alay na tayo ng itlog!


Disqus for Gerome Soriano