Sampung mga daliri

Kamay at paa

Dalawang Tenga, Dalawang Mata

Ilong na maganda


Kung ano meron ako meron din karamihan ng tao. Yung iba kulang pa nga dahil sa mga kapansanan o kaya sakit.

Pero ano ang p*$$(#-($# pagkakaiba sakin at sa mga taong hinahangaan ko.

Edad. Siguro. Pera. Malaking tulong yun. Koneksyon. Pwede.

Ano nga ba?


Meron napakagandang talk si Simon Sinek sa TED na naglalaman ng mga example ng mga taong wala ng kahit ano sa masasabi nating formula for success. Funding at Connections.

Ang isa sa halimbawa ay ang wright brothers. Na walang nakaalam na may tao na palang nakalipad gamit ang eroplano makalipas ang dalawang araw dahil walang pumapansin sa ginagawa nila.

Hmmmm. Hanapin mo at panoorin yung buong talk. Tamad!


Ang sagot sabi ni Sinek ay "People don't buy what you do they buy why you do it",


Pero may problema ako dun kasi ako yung klase ng tao na sobrang seryoso sa mga ginagawa niya na nagiging nakakatakot siya lapitan baka kagatin ka niya kapag inisturbo mo siya.


Pero mas mabait naman ako kesa noon. Mas masayahin na ako. At kapag napansin kong may gagawin akong kalokohan na makakasakit hinihinto ko. Kaso siyempre nakakalampas yung iba ng di ko namamalayan.


So ano ang pagkakaiba ng talunan sa nagtatagumpay. Ewan di ko pa sigurado. Pero ito ang mga ilan sa mga nakikita kong gamagana at umeepekto para sa akin.

Kapag kinabahan ako iniisip pa lang na gawin yun. Siguro kailangan ko talagang gawin yun.

May mga bagay ako ng iniiwasan tulad ng pagdrodrowing, pagpinta, pagbebenta. Mga bagay na hindi ko pa gamay at natatakot akong subukan dahil may pagiisip ako na magkakamali ako.

Kaya nung isang araw tuwang-tuwa ako dun sa scribble dun sa sketchpad ni Yza. Kasi bata gumawa nun (Pinsan niya). Naalala ko yung sinabi ni Picasso na parang buong lifetime niya ang kinailangan para makapagpinta na parang bata.

Yung pagpinta/pagguhit na masaya na spontaneous. Ewan ang hirap paliwanag.

Yung pagkilos na na nadun ka talaga.

Takot kasi ako gumihit kasi sa klase namin isa ako sa pinaka-masahol gumuhit ang mga anatomy drawings ko sobrang sahol.

Pero ngayon kahit papaano na gumuguhit ulit ako paunti-unti ang saya ng walang pressure mula sa prof, sa kaklase mong imba magdrowing, at sa sarili mo. Yung chillax lang.

Nakita ko rin na di ko naman kailangan maging imba magdrowing kasi ibang mensahe yung sinusubukan kong iparating.

Hindi yung mga pogi at seksi katawan na ginagawa namin sa anatomy. Kundi mga ideya ng pagkatao at pagkakaroon ng espasyo, ng katawan, ng kamalayan.

Mga pa-deep na bagay.


Napansin ko rin na ang mga pinakamahahalagang lesson sa buhay ay yung mga pinaka-cliche na lesson. Yung tipong ang dalas-dalas mo na ng naririnig di mo na pinapansin.

Kaso para makuha mo yung importanteng katas nung lesson na yun dapat isabuhay mo yun at pagaralan ng mabuti.

Parang katulad nung sinabi sakin ni Sir Bengy nung naiinggit ako sa solo exhibit niya at sa mga sobrang laking prints.

Sabi niya, "Take it easy".

Dahil sawa na ako sa ommanipadmehum at compassion mantra.

Ginawa kong mantra yun. Hmmm. Take it easy. Dahan-dahan.

Di sinabing dapat huminto dapat dahan-dahan lang. Parang sabi ni confucious di mahalaga na mabilis ang importante hindi ka tumitigil. Sabi din ni Jesus humayo ka. Sabi din ni Buddha Go forth.

Go forth pero di kailangan nagmamadali kasi isang sa mga enlightenment factors ay clam-abidding. Calmness na parang natutulog sa ilamin ng puno sa isang maaraw at mahangin na araw.

Take it easy sa paglalakad. Take it easy sa pagiisip. Take it easy sa pag-ngiti. Mukang akong demonyo kapag nasobrahan.

Take it easy. Take it easy. Take it easy.

Ewan ko cliche ba yun. Pero take it easy. Ah sabi din ni Bencab the effort must be effortless. Natural kumbaga. Easy.

Take it easy. Simple lang. No-mind ika nga ni Shunryu Suzuki. Take it easy.

Sabi ng mga matatanda sa mga batang naglalaro. Dahan-dahan. Baka magkasakitan. Take it easy.

O diba mula dun pwedeng gawin ang Geneva Convention. Take it easy kapag nasa giyera baka masira ang mga cultural heritage thingy. Take it easy bawal gumamit ng nuke ha.

Take it easy sa mga concepts. Wag masyadong personal baka di ma-gets ng ibang tao. Take it easy. Take it easy sa pag-blog blog. Wag masyadong mahaba tinatamad na ang nagbabasa. Take it easy.

Take it easy.

Take it easy.

Take it easy.




Disqus for Gerome Soriano