How to start a bad day

"Resistance wants you to go back to sleep, meaning remain unconscious. Resistance is always selling the easy way, the shortcut, the cheap shot. Resistance urges the artist/addict to slack off from, to sidestep, to avoid, to run away from, to not do. It wants you and me to stay shallow, to remain superficial, to continue unfocussed and uncommitted; to accept mediocrity, to avoid pain, to back away from the fight."

http://www.stevenpressfield.com/2011/05/the-artist-and-the-addict/

Some days I work my ass out. Some days I slack all day.

What's the difference?

Kanina napansin ko ang isa sa mga pagkakaiba tinatamad ako kapag nag-stay ako sa kama kapag nagising na ako. Kapag sinubukan kong matulog ulit.

Buti na lang na diyan ang makulit naming aso na si Lancie na mangungulit, manghihingi ng atensyon at iba pa hanggang magising ako.

Pero siyempre minsan nananalo ang katamaran. At kapag nasimulan na madalas buong araw na yun o kaya minsan hanggang sa mga susunod na araw. 

Hindi naman kailangan palaging may gawin. Kailangan lang paganahin ang utak. Alamin ang mga nangyayari sa paligid. 

Ang pakiramdam. And tunog. Ang init. Ang kati. Ang katamaran.

Alamin na nangyayari sila ngayon. Pero hindi sila ako. Hindi tamad si Gerome. Nangyayari ang katamaran kay Gerome. 

Malaking pagkakaiba nun. Kapag tamad si Gerome forever na yun. Kapag nangyayari ang katamaran kay Gerome (na ang totoong nangyayari). Alam natin na nangyayari lang yun. Lilipas din.

Sobrang fan ako ng gawa ni Steven Pressfield sa ngayon payborit kong basahin ang blog niya di ko pa afford bumili ng libro niya eh.

Pero sobrang gustong ko yung mga ideas niya especially dun sa concept niya ng Resistance.

May maganda silang audio interview ni Mark Macguinness sa Lateral action pakinggan mo. Mga lagpas benteng beses ko na kasi siguro napakinggan yun.

Sobrang asteeeeeeeeeeeeeeeeeg.

Disqus for Gerome Soriano