Magic Magic


Ahhhhh!!! sobrang hindi pa rin ako komportable na wala akong pinagkakakitaan ng pera. 

Kaya nitong mga nakaraang araw nagreresearch ako at gumagawa ako ng mga "artsy/crafty" magic cards paraphernalia.

Kasi kilala ko ang mga magic player. Isa ako dun. Alam ko na handa sila gumastos ng pera. Alam ko magkakano ang handa nila gastusin at alam ko rin kung ano ang malamang ay magugustuhan nila.

Ang art-making para sa akin ay hindi secluded practice para sa akin hindi art ang gawa kung yung gumawa lang ang nakakarelate dun.

Siguro crass ang pag-iisip ko pero para sa akin hindi art ang nagawa ko kung walang taong handang ipagpalit ang perang kanilang pinaghirapan kitain para maiuwi at gumising araw-araw sa harap ng gawa ko.

Parang kung pangit at masangsang ang galungong bakit ko bibilhin yun.

Kaya ang strategy ko ngayon ay hit-and-run. Gagawa ako ng artwork tapos kapag maganda ang reaksyon ng ibang tao. Baka ituloy ko ang mga kasunod ng artwork na yun. Kung halos waley eh di ibang idea naman.

Sangkatutak ang idea sa mga notebook ko siguro mga tatlong notebook na puno ng mga notes at pangit na sketches. At nadadagdagan pa.


Ang Transmission series may nagkainteres. Siyempre interes lang yun di pa sigurado at magkaiba and itsura ni Transmission #1 kay Transmission #2. At posible pang mag-iba ng sobra.

Sa taas si #3 hindi pa siya tapos at nangangati ako sirain siya dahil muka siyang gawa ko. Wala siya nung same parang galing sa ibang nilalang na meron si #1 ewan. Siguro ako lang yun.

Tapos yung kite aerial photography ko ititigil ko na munang actively ituloy. Kasi magastos at puro positive feedbacks lang wala pang gustong mag-angkin dun sa mga litrato. Meron naman :)

Ewan basta ayoko ko munang mag-shoot ng kite aerial kasi mapupuno na yung external hard drive at may mga litrato na ako sa refractographs na nabura ko :( dahil sa paglilinis ng hard drive na yun.

Pero siyempre kung may opportunity at maayos naman. At di pilit. Mag-usap tayo :)


Iba pang ginagawa: Magi deck box, Garapalagan, block printing, Transmission #2, 3 at 4, mga random narratives, tsaka gear na aso, tsaka iba pang magic life counter, sony visionaries, thesis gurus, ito, leaf prints (damn Gerome ituloy mo na yan!). 

Di ako pwedeng magfocus sa isa eh. Nawawala ako sa katinuan nasanay ako sa CFAD na kung ano-ano ang pinaggagawa. 

Disqus for Gerome Soriano