We talk to Fabo about their art family affair at the Future Market @ Escolta. A monthly Saturday Vintage and Art Bazaar organized by 98b, as part of their efforts to revitalize Escolta.
You can follow their work at: No. 24
You can also download the audio version here
Gerome:
Describe mo yung background niyo?
Fabo:
Mga taga-muntilupa kami. Yung anak
ko si Miles. Tapos yung panganay ko si Ayi. Tapos yung asawa ko si
Gerrie. Ako si Fabo.
Gerrie. Ako si Fabo.
Ako grumaduate ako ng fine arts.
Yung panganay ko grumaduate na rin nf Fine Arts. Yung asawa ko ay nagtrabaho
dati sa media sa Universal Mccann.
Yung anak ko ngayon grade 6... na
pinoproblema namin kung pano mag-grade 7. Dahil walang grade 7 dun.
Tapos 18 o 17 years ako sa
advertising agency. Ngayon ay 4 years na akong freelance.
G:
F:
Nabalitaan naming 'tong 98b sa mga
barka-barkada na okey daw maganda. Tapos nung binisita namin yung site nila.
Maganda yung prinopromote eh. Prinopromote yung lugar. Prinopromote yung arts.
Kaya sabi namin tara silipin natin. Kasi marami na ring tiyangge tiyangge na
sinasalihan 'tong anak kong si Ayi. Ang ginagawa niya... yung mga well...
pre-loved na mga damit damit.
Tapos ang nangyari ng nakita namin
to tapos maganda ang intention. Tapos na-involve pa si Mark Salvatus na medyo
kakilala ko. Sabi ko, "Sige subukan natin".
Nung pagdalaw namin na in-love kami.
Sabi namin, "Subukan natin kung papasa tayo sa papakita natin.
Yung una nag-ano lang kami ng mga
prints. Tapos ah... sabi nga si Ayi yung mga damit niyang segunda-mano. Tapos
ah... interesado kami...
Pero ngayon nililimit namin sanang
wag maging mahal yung paninda.
Kaya...
Sa totoo halos dito halos hindi
kumi... halos break-even lang kami lagi eh.
Pangalawa namin 'to eh. Yung una
namin parang break-even lang.
Ang sarap parang nagiging parang
family day out.
Tapos pwede mong i-express yung art
mo ng walang pressure. Dahil hindi mo kailangang ibenta ng mahal..
Tapos ang mga tao... Ang trapik na
nakakakita ng expression mo ng art... ay marami.
Hindi katulad kapag galleries. Yung
imbitasyon... Kadalasan ang pupunta lang diyan mga kaibigan mo eh. Tsaka mga
kaibigan ng kaibigan mo.
Eh ito ngayon nakakatuwa. Iba-ibang
klaseng tao.
Kasi ngayon dito.. ah... mapangiti
lang namin sila ngayon.
Magkaroon lang sila ng awareness...
na may mga gumagawa ng ganito... ay masaya na kami...
Yung ginagawa ng anak ko drawing. Maski
sino pwedeng gumawa niyan eh. Pero siyempre kapag nakita nila... ay! pwede pala
yun. Edi mag-drodrowing din sila. Baka mas maging ams magaling pa sila.
Itong sa mga jeep na ganito. Katulad
nito... Gindi natin masyadong pinapansin yung mga nag-signsign ng mga jeep na
yan. Pero sa totoo bigyan mo lang sila ng magandang isusulat.
Siguro Gerome maganda naman
kinalabasan...
G:
Oo ang ganda nga eh.
F:
Diba parang nakakataba ng puso...
kaya yun yung inaano namin.
Ito talaga ideas yung binebenta
namin.
Yung anak ko naman. Sabi namin. Ah
mahilig din yan. Tirador ng mga damit 'to. Ah... tapos sabi nga... basta wag ka
lang magbebenta ng mahal.
Hangat maaari masyadong mahal na
yung 150.
G:
Hmmmm
F:
Kaya ito nga... Ang laro namin dito
hangat maaari kami ni miles wag aangat ng singkwenta.
G:
Ah ok... Pano kayo napa-ibig dun sa
mga ginagawa niyo ngayon dito?
F:
Ako talaga mahilig talga ako sa
drawing. Hindi ko pa masasabing art kasi walang background na art yung pamilya
namin eh. Tapos na... eh.
Nag-aral ako ng fine arts. Sa fine
arts medyo nabuksan ng konti. Na-impluwensyahan ka ng konti. Nung nagtrabaho
ka. Sakin nung nagtrabaho ako sa ad agency. Nakakilala ako ng mahilig (sa arts)
na tao.
Tapos yung asawa ko... Nagkita kami
niyan grade 6 siya eh.
G:
Ohhhh
F:
Tapos noon mahilig na kami. Pero
noon. Syempre 80's yung hilig namin tugtog. Yung art namin na alam namin noon
punk rock.
Kaya yun eh.... Tapos nagkahiwalay
kami ng konti. Tapos nung nakita kami ulit. Parehong pareho pa rin yung tugtog
namin. Kaya kumbaga meron talaga siyang appreciation sa art. Tapos meron din
ako.
Tapos nung naging mag-asawa nga kami
tinuloy-tuloy lang namin.
Tapos yun dumating nga si Ayi. Ayun
mahilig din.
Si miles mahilig din.
Kaya yung maliit na bahay namin...
ah...yung art puro fun.
Hindi ko masasabing puro artists
kami pero puro fan kami ng mga arts.
Itong mga ginagawa namin ay resulta
lang ng pagiging art fan. ayun..
G:
Pero pinaka-kakaiba sa inyo kasi
buong pamilya kayo dito.
F:
Oo... eh masaya eh. Sa totoo sabi
namin. ah... kagabi pa nga lang excited na kami.
Yung trabaho mo Gerome diba. Ilagay
mo sa gallery yan pare. Sino lang pupunta diyan wala sa one-fourth ng pupunta
dito. Tapos ang nakakakit lang yung involve sa...
(may lumapit na bibili ng Jeepney
Signage na gawa nila Fabo)
Ay salamat po sir... ah... teka
sandali lang Gerome ha
G:
ok lang ok lang
F:
Salamat po sir
nako talagang...
Gerrie (asawa ni Fabo):
matutuwa si misis
F:
Effective…
kapag pinakita niyo sa asawa niyo
gusto niyo dalawa para bukas na
naman
(Fabo at mamimili nag-uusap. di na
malinaw sa recording eh.)
G:
Ayun yung example ng hinahanap mo
dito
F:
Ayun ayun nga. Tsaka diba baka ang
pinunta niyan dito ang pinunta niyan dito ay makabili ng a... accesory. Hindi
art. hindi idea. Kasi sa akin ang binili niya sa akin ay hindi yung disenyo ng
pagkakagawa ang binili niya ay yung idea.
Ang maganda dun ay... nakuha niya
eh. Dumaan niyan dito kanina tapos sabi, "Maganda ba ang asawa ko?".
Tapos sabi ko, "Maganda po".
Tapos ngayon palihim siyang umalis
tapos binili niya at duda ko ibibigay niya sa asawa niya.
Hind yung letra, hindi yung design
ang binili niya dun eh. Ayun naman sa 'tin eh.
G:
Oo (nods)
F:
Ah... pag naibenta mo yung idea ayun
na yun eh. Sigurado pag uwi niyan baka magpagawa... di tumalino pa tayong lahat
diba
G:
So next time maaasahan naming
babalik ulit kayo dito?
F:
Oo pinipilit namin. Tapos hanggang
maaari sana. Ako ngayon iniisip ko na kada buwan may bagong pa-trip eh.
Idea tsaka konseptwal ang ibebenta.
Para....
Maganda hindi ba?
Tsaka alam mo eh.. may nagresrespond
Maaari man mamahalan sa singkwenta
yung iba.
Pero mapangiti mo ok na.
Pero ako sa tingin ko ayos na yung
singkwenta naman eh.
Kasi sakin ang gusto ko rin dito
kahit papano nakatulong ako sa gumagawa nito.
Dahil sabi nila minsan sa isang araw
eh tatlo lang ang magagawa nila eh. Sabi ko sige gawa akong ganto.
Kaso syempre Pilipino tayo, kaya
tinawaran ko ng konti. Pumayag naman.
Tapos sabi ko sa kanila. "Basta
ito bayad na 'to. Hindi 'to yung parang.. kung hindi ko mabenta babalik
ko."
G:
Ayun imbitahan mo yung mga hindi pa
nakakapunta dito(98b Future Market sa Escolta) na magpunta naman dito.
F:
Ah sige.
Kung sino pa yung mga hindi pa
nakakapunta dito. Bumisita kayo dahil.. hindi lang mga materyal na bagay ang
makikita niyo marami kayong matutunan at tsaka baka makapaguwi din kayo ng mga
materyal na bagay.
Pero mas madami kayong matutunan,
mapapansin at tsaka mas aware kayo na may mga nangyayari pala na ganito. At may
mga taong ganito pala mag-isip.
Ah... at mas magiging maluwag ang
pagtingin niyo sa talino ng Pilipino.
Yun. Diba!
G:
Ayos!
F:
Ayos!
You can follow their work at: No. 24
You can also download the audio version here