Gawa lang ng gawa

Ang ultimate na payo ni Sir Mark Salvatus.

O at least ang payo niya na pinakapraktikal para sa akin na sundan.

Ganun din sinabi ni Ate Con Cabrera. Shoot lang ng shoot.

Yung pano kasi ni Sir Mark tungkol sa Content di ko pa rin ma-gets kaya wala akong masyadong magagawa dun. Kaya dun na lang ako sa gawa ng gawa.

Parang malalim na mababaw na Koan yun. Na dapat parating nasa tabi ko kung sakaling dumating ang panahon o pagkakataon na mas maintindihan ko siya sa mas malalim na paraan.

Para sa akin parang katulad siya ung Koan na "Count the Stars". Dun sa Koan na yun magbibilang ka lang ng magbibilang. Walang katapusan. At hindi lang stars ang stars lahat ng bagay ay stars.

Ito. Ayan. Ayun. Lahat ng ito. Lahat na 'yan. Lahat yan Stars. Walang katapusan na pagbibilang at pagtuturo sa mga Stars. Sandamukal na Stars. Count the Stars. Ayun ang instruction. Hindi kailangan matapos. Kailangan lang magbilag. Ito! Star to! Eureka!

Parang ganun. Ito! gawa to!. Gawa nga to! Tingnan mo o! ang galing gawa to! parang ganun. Gawa lang ng gawa. Di naman kailangan matapos. Di naman paramihan o pagandahan ng nagawa. Gawa lang ng gawa.

Parang kung makakasalubong ko si Bodhidharma sa panahon natin ngayon. Kasama ang makapal niyang kilay at makasimangot na mukha. Malapit din dito ang sasabihin niya. 

Disqus for Gerome Soriano