Future Market: Bong's Accesories



We talk to Bong who makes and sells accesories from various "found objects" and resin at the Future Market @ Escolta. A monthly Saturday Vintage and Art Bazaar organized by 98b, as part of their efforts to revitalize Escolta.


You can follow Bong's work at: http://www.facebook.com/barangaw

You can also download the audio version here





Bong: Ako si Bong from Negros Occidental. Ah yun... yung mga paninda ko yun yung mga parts ng hayop na natatagpuan sa mga tabing dagat. Yung mga naaanod na. Mga buto. Mga skull. Ayun mga pinupulot ko. Tapos yung iba diyan... may mga... parts ng mga bayawak. Tsaka parts ng mga pusa.

Gerome: Parang nirerepurpose mo para maging accesory?

Bong: Oo tama. Kesa sa magbabara na lang sa kanal or ano... gawin nating kapanipakinabang

Gerome: Oo. Tsaka maganda yung gawa

Bong: Nakatulong ka dun sa environment... tapos nagiging pera pa

Gerome: Eh... Di bale pano ka nakapagsimula sa ganyang bagay



Bong: Well.. mahilig talaga ako sa... yung magukit. Mag-ukit ng mga kahoy ganun. Tapos napansin ko... pansarili ko lang eh. Tapos sa pagukit ko ng mga kawayan, ng mga kahoy.
Nadiskubre ko 'tong resin 'tong ginagamit namin na clay. Mas madali siyang gawin kesa dun sa kahoy.
Yung kahoy kasi.. Isang kahoy ang magagawa ko sa resin sampu...

Gerome: hmmmm

Bong: So dun ako nag-focus sa resin... yun...
Tapos yung mga stone... yan...
May makita kang mga batong magaganda dun sa tabing dagat. Makikintab. Ginagamit ko siya dun sa necklace.
Tapos lahat na lang. Basta pwedeng... na pwede pang pakinabangan.

Gerome: Eh... So far naman ano experience mo.. diba first mo dito...



Bong: Oo first time ko dito.... Ma ano... marami mga kaibigan.. may mga makikilala ka.
Masaya. Tapos yun may mga makakausap ka na ibang artist na nagbibigay sayo ng mga tips. Kung pano ibang... kung may ibang gawin para mapa-improve yung trabaho mo. yun...

Gerome: Pano naman yung taong hindi pa nagpupunta dito. Imbitahan mo naman silang magpunta dito.

Bong: Ah bale ano... Pasyal kayo dito sa Escolta.. sa 98b.
Marami kayong mahahanap dito mga kakaibang bagay talaga... Mga pangkolektor...
Yun! Basta pasyal kayo masaya!

Gerome: Ok! Salamat Bong!

Bong: Ok! salamat salamat





You can follow Bong's work at: http://www.facebook.com/barangaw

You can also download the audio version here


Disqus for Gerome Soriano