Silverlens July 11


Christina Dy. Illustrations on origami. 


Christina Dy kaleidoscopes. 

Merong bulaklak sa loob. Natakot nga ako dito nung nakita ko yung exhibit poster kasi baka kaparehas ng kaleidoscope world na trabaho ko. 

Pero iba 'to at maganda sa sarili niya. May bulaklak sa dulo ng kaleidoscope at and ganda na may ilaw para tutukan mo nung kaleidoscope na naka-install sa space. 


Ang inaalala ko lang kung totoo yung bulaklak pano mo papalitan kapag nabulok na. Pero ang ganda din kung totoo yun at mabubulok. Kasi dagdag sa metaphors ng gawa yun.



Dina Gadia. Vintage, old magazines collage. Sex symbols, comedy, humor.

Nakakatawa 'tong mga gawa na to. Ang linis ng pagkakagawa. Maganda ang presentation. 

At may levels of meaning. Di ko nga lang alam yung significance nung ibang imagery.



Dina Gadia. Installations. Parang mga advertising signages. Tipong yung Coco Marting sa Max's.

Parang art-hunting nga dun eh. Di ko napansin yung kamay na may kutsilyo kung hindi pa tinuro nung isa.

Hanggang Augsut 10 pa 'to. Punta-punta.



Nauuso ang sabay-sabay na exhibit opening sa iisang lugar ah.

Ayos din yan para tipid sa pamasahe at mas madaming pumunta. Siguro pwedeng magusap-usap din mga magkakadikit na gallery. Parang dun sa may Pasong Tamo. 

Disqus for Gerome Soriano