Those who regularly read my blog
here know that we had a less profitable Future Market last time. And because of
that we have been constantly thinking about how we can avoid such event from
repeating.
Though there is still a chance of it
naturally being part of selling art. I still would like to minimize it as much
as we can.
If you want to go fast, go alone. If you want to go far, go together.
I hard to wrestle with my own mind
almost everyday. So it was good that there are friends that would generously
challenge my views and show things from their perspective.
Nakakahiya na hindi namin nakuha ang
mga resulta na inaabangan namin. Nakakahiya na nangyaya pa ako ng kaibigan ko
na sumama samin dahil sa mga magagandang resulta na nakuha ko dati. Tapos biglang
nag-iba!
Cool lang naman kaso bakit
nagkaganun?
Hopes, dreams and fears
Kaya ginagawa ko ‘to dahil nakikita
ko ang potensyal ng sining, lalo na ang contemporary art, na isulong ang mga
buhay ng mga taong nasa paligid ko.
Gusto ko sanang subukan ang mga
bagay na ito muna. Tsaka ko isasama ang ibang tao kapag gumana ng maayos.
Kasi kung magaling na ang tingin sa
akin ng ibang tao. Wala pa ako sa kalingkingan ng mga kayang gawin ng mga
kaibigan ko.
Nagkataon lang na mas matapang ako
at mas baliw sa kanila.
Pero kung pantay ang playing field.
Na gusto kong mangyari. Magaling kami sa iba’t-ibang bagay.
Hopes, dreams and fears
Kailangan daw malaman yan para
maintindihan ang customer at matulungan sila na makuha ang gusto nila. Na
in-turn ay tutulong sayo para makuha ang gusto mo.
Pangloloko
Para sa mga taga-labas maaaring
makita nila ang ginagawa namin na panloloko.
Na pagsasabi na mas magaling kami sa
inyo sa sining kaya bilhin niyo na lang ang gawa namin.
Para sa akin iba. Makikita mo sa
mata ng bumibili ng sining na gusto talaga nilang bilhin ang gawa mo. At hindi
ikaw ang tumutulong. Tinulungan mo sila!
Tinulungan mo silang makita ang
hinahanap nila. Na hindi rin nila talaga maitukoy kung ano. Sa kongkretong
paraan.
Parang
Parang yung itlog na binili ko sa
Decorio Egg Crafts sa Legaspi. Nung nakita ko yun parang para sa amin talaga
yun.
Kasi kakamatay lang ng aming asong
si Lancie. At kahawig niya yung illustration dun sa itlog.
Ganun kaya masaya akong naglabas ng
pera. At masaya pa ako dahil sa tingin ko sobrang mura nung presyo na nilagay
nila para sa halaga na makukuha ko dun sa gawa na yun.
Resource. Research.
May panahon na hindi ako makagawa
dahil kulang ako sa research. Hindi pa malinaw sakin kung ano ang dapat ko
gawin kaya kailangan magbasa at magtanong ako para mas luminaw.
At kapag luminaw na. Mabilis akong
lilipat sa puro paggawa.
Paano?
Paano iintindihin kung ano ang nasa
isip ng mga art buyer.
Visualize
Visualize. Imagine. Exchange at
i-role play sa isipan ang interation ng artist at ng art buyer.
Role-play
Ito ginawa namin ng kaibigan ko. Role-play.
Siya ang buyer at mag-iinquire siya
at ako naman ang artist na sasagot sa mga tanong niya.
Tapos baligtad naman.
Sa tingin ko dapat mas madalas namin
‘tong gawin para mahasa kami.
O kung hindi siya ganun ka-committed
ako na lang mag-isa. Siguro sa mga kapatid ko.
Testimonials
Ayun di ko pa magawa kasi kulang pa
ako sa impormasyon kung paano ko gagawin ng maayos.
Artbusiness.com
Ang gandang resource tungkol sa
karamihan ng mga misconceptions ng mga artists sa mga art buyers, galleries,
atbp.
Example, ikaw pa rin ang bahala sa
customer base mo. Walang magical customer base ang mga galleries na huhugutin
na lang para mainlove sa gawa mo. Oo sabihin natin minsan meron. Pero madalas
wala.
Artistswhothrive
Ann Rea. Kung paano magiging
proactive sa pagbebenta ng gawa mo. At na walang bagay na artist career. Artist
business lang ang meron.
Artistshelpingartists
Podcast
Reddotblog
Blog. Podcast. Gallery owner. Xanadu
gallery.
Artprintissues
Giclees, edition, marketing
Google
Oh google
Online sales
Ito sigurado na ako na ito ang
susunod kong kailangan i-explore kasi ang daming sobrang dami ko nang nabasa at
narinig na madali ito para sa artist at buyer.
At na may mga tao talaga bumibili
mula dito. At dumadami sila