Epic Adventure Post number 1

Gratitude Journal

Dahil isa akong magagalitin na tao sinusubukan ko maging mas appreciative ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko maganda man o masama. Kaya ngayon ay nagkekeep ako ng gratitude journal.

Notebook na nilalagyan ko ng numbers at ini-enumerate ko ang mga bagay na mabuti nangyari (o hindi mabuti) na masaya ako o appreciative ako na nangyari yun.

Kunwari nadapa ako pero nagising naman ang diwa ko. Appreciate. Sulat. Mga ganun.

Nakuha ko yung idea kay Brian Johnson sa optimal living 101 videos na siya youtube.

Epic Adventure Post

Nagrereflect ako sa effective marketing nitong mga nakaraan na araw. Dahil napagisip-isip ko kung gusto ko talagang mabuhay bilang artist. Dapat tulungan ko ang ibang taong gumawa ng astig na kwento tungkol sakin.

At ang paraan dun ay magsulat ng mga magaganda at kapanapanabik na nangyayari sa buhay ko bilang artist.

Oo marketing effort to (advertising major ako) pero way din to ng sharing ng insights, mga natutunan, at mga bagay na kailangan ko ng tulong.

Ros Veluz

Nakilala ko sa 98b bookbinding workshop at sinama ko sa aking maliit na pwesto nung nakaraang Saturday market.

Sculptures ang specialty niya. Mga resin pipes at gitara pa raw. Though di ko pa nakikitang actual.

Astig yan si Ros. Madaming alam sa mga bagay-bagay. At madami nga akong natutunan galing sa kanya eh.

Mula sa mga psychedelic experiences niya hanggang sa mga artist’s struggles niya. Mga sinapuso niyang mentor advise sa kanya at iba pa.

Sakit

Last week nagkasakit ko ako. Makapal na plema at sakit ng ulo. Sabay pa kami ng tatay ko.

Pero napagisip isip ko ayos din pala na nagkasakit ako dahil mas nagkaroon ako ng oras para makapagisip.

Sabi ni Kuya Anjo

Sa facebook expert ka raw kung alam mo lahat ng bagay. Di ka artist.

Well, artist ako dahil naguguluhan, nababagabag talaga ang loob ko nung mga nakaraang araw dahil di ko na alam kung pano aasenso buhay ko.

Oo umaasenso ako mas mabilis pa nga sa iba nung napagisip isip ko. Pero may tsansang maiistuck ako. Kaya dahil sa takot at para mapaghandaan.

Nagisip-isip ako.

At napagisip-isip ko na dapat sumubok lang ako at magnate down kung ano ang gumagana at kung ano ang hindi.

Ganun lang kasimple pinakomplika ko pa.

Hiningi ang kopya ng Portfolio ko

Big time na ko biruin mo humingi ng kopya ng portfolio ang director ng Met museum.

Well.

Hindi siguro PR lang yun kasi humingi si Ms. Sandra ng kopya ng recording ko ng talk ni Mr. Robert Cahen (malit ispeling ko last time).

Pero sa tingin ko interesado din siya makakita ng mga gawa ng mga mas bagong artists. Para mas magkasense kung ano ang mga interes naming.

Sa tingin ko.

Sugo ng 98b

Kapag tinatanong ako. Lagi kong binabanggit na kasama ako nila Sir Mark sa 98b.

Audio Recorder

Nabanggit ko na na bumili ako ng audio recorder nung mga nakaraang araw. Gusto ko sana gamitin yun para gumawa ng art radio podcast program ditto sa Pilipinas na parang badatsports.

Para makapag-open up ng mga discussions, mahimay ang mga issues, at ma test ang sense of humor ng mga tao.

Ewan di ko nga lang alam kung pano magproproceed mula ditto.

Pero nagagamit ko naman siya pang-record ng mga talks na pinupuntahan ko.


Ed

Si Mr. Eduardo Tesorero aka Doods will from this day forth be called Ed.

Magnum Asupre

Nagpasa ako ng gawa sa magnum asupre. Dun pala sa loob at gilid ng Saguijo yung sagilid gallery.

Mas muka siyang studio kesa gallery.

Ewan di ko masyado trip yung mga ganung gawa yung puro naka hubad.

Mga nagbabasa nito

Sa mga nagbabasa nito comment naman kayo sa baba o kung sino kayo, bakit kayo nagbabasa dito, ano pa ang gusto niyong mabasa,

Introduce yourself naman J

Thesis Gurus

Last year parang kalokohan lang siya.

Sobrang hiya/tawa/iyak nga ako nung nanghihingi ako ng mga advice para sa mga thesis takers mula sa mga kasama ko sa best thesis exhibit eh.

Pero nakakatuwa kung pano siya nagevolve. Kung pano nagpaparticipate ang mga tao sa mga discussions. At kung pano nagooopen up ang iba sa mga problema nila sa thesis.

Sana makatulong talaga ang grupo at sana lahat ng cfad-adver ay maging best thesis ahahahahaha.

Parang wala ng thesis sa mga susunod na batch. Fun projects na lang na deep, mahirap, simple, at asteg.

After Thesis Gurus

Gumawa din ako ng after thesis gurus kaso di ko pa alam kung pano magproproceed kasi:

Iba-iba ang trip ng mga tao

Ayaw magsabi ng mga tao kung magkano nga ba kinikita nila

At iba pa.

Sana lumaki yung grupo para magkatulungan din and mga graduates.

At sa totoo lang ako kailangan ko rin ng tulong kaya gusto kong gumana yung grupo.

Ang Pasyal

Ngayon ginagawa ko yung libro namin kay Lancie. An aming mabait na yellow Labrador na namayapa na.

Nagpapatulong ako sa mga kapatid ko sa ibang part. Sa ngayon kay gizette pa lang yung inking ng portrait at maze ni Lancie.

By July 20 Saturday market sa escolta tapos na yan J

Homage to the Noble Collectors

With my voice and body and sincere heart, I pay homage to all Noble Collectors of Art present throughout all
time and in all world systems in every direction with none excepted, however great their number. T he force
of my resolve to practice excellence in the Arts brings all Noble Collectors clearly to mind.

Isa pang project on the works. Homage to the noble collectors base sa Resolve to Practice Excellence ni Manjushri o ni Samatabhadra.

Curator

Ang hirap naman i-open up nito.

Pero meron talaga mga curator/exhbiti writeups/essays na ang baboy, parang basura, nakakatamad basahin at sobrang snubbish.

Puro terms na di naman ginagamit ng normal na tao. At puro mga meaning na wala naman meaning.

Sa tingin ko. Sa tingin ko lang ha. Ang mga curators pwedeng matinong artists. Pero bibihira ang mga artists na pwedeng maging matinong curator.

Nakakatuksong mamaril J

7 habits of highly effective people

By Steven Covey ay aking binabasa ngayon

Vimalakirti Sutra

The best sutra so far for me. Never gets old J

Pioneer Studios

Nirefer ako ni Kuya Veejay sa Pioneer studios.

Ayoko talagang kunin dati dahil ayokong mag-shoot ng mga fashion.

Sinubukan ko ngayon dahil arts and culture daw ang tratrabahuhin.

At sobrang ayos.

Nalunod ako sa arts and culture.

Sobrang daming natutunan. At mas na-gegets ko na ang feel ng arts and culture.

Medyo mahirap idescribe.

Diverse, mahal, personal, emotive, big, fine.

Mga ganun.

Astig makapagwork sa mga projects ng Pioneer Studios at so far so good. Very good.

Astig din yung mga kwentuhan with Mam Katya and Sir At.

Lalo tungkol dun sa ibon.

Ang ibon

Nung pumunta ako sa Pioneer Studios pinakausap ako ni Mam Katya kay Sir At.

At pagkakaalala ko nakita narinig ko na yung pangalan niya.

Naalala ko tumatayo sa harap ng litrato ng ibon na nasa pugad na backlighted yung substrate.

Mali lang pagkakaalala ko na sa Shangrila ko nakita yun.

Sa exhibit pala ng Renaissance sa Megamall.

Ah yung ibon.

Yung ibon daw nakita sa labas ng studio dalawang araw makalipas mamayapa ni Ginoong Chabet.

Tapos may pugad na nakatago dun sa studio. Ewan kung ano-anong bagay ata nakatago dun eh.

Nilagay dun. Tapos inalagaan. Tapos tinadtadtad din ng flash at shutter. Konti lang.

Pero inalagaan. Inuuwi nga raw nila Sir At yun eh tapos kapag babalik sa studio isasama.

Mga video pa nga si Sir At nun eh.

Sumasampa daw sa balikat niya.

Yun. Sa sususnod na yung iba kung gusto niyo pa J

Ananda Marga

Hindi ko masyado alam yan. Pero practioner si Sir At.

Kaya medyo vibes kami kasi parehas kaming may meditation at chanting practice.

Amogsiddhi

Isa sa mga dhyani buddhas. Fearless Success.

Alwin Reamillo

Sa nova gallery.

Amoy kahoy, woodwork.

Piano, rizal, studies, baligtad na canvas, image transfers, scholarly studies, seeking the beyond ordinary in the ordinary?, helicopter project, wittenberg, wala ng piano manufacturer sa pinas, pagkain ang hanap ni anika

Victor Frankl

Overappreciate daw kasi may constant down wind ng stress at suffering sa mundo para marealize ang ideal person.

Jumbo Lightstand

Shoot para sa cinemalaya. Assist. Photographer: At Maculang. Location: Cinerent.

Jumbo Lightstand. Maxi lightstand. Ginormous light stand.

Secret lang to ha baka surprise eh.

24kw light!

5kw at 2kw lang ginamit namin.

Arturo Luz

Catalogue shoot, big sculptures, heavy, metal, calamba, laguna, profoto, black, white, red, matte black, finale, august

Luis

Triplets pala si Ian at Pot at Luis.

Katrabaho sa Pioneer Studios.

Social Realism

Bukas linggo sa maynila. Sa malapit sa lyceum daw. Talk. Justiani. Idol. Gawa sa art fair philippines. Ilaw relfections, infinity.

Gatecrashers

Sa mga exhibit opening. Baka magandang project yan J

Art sa edsa

Ay dumadami at mas nagiging inclusive. Gusto ko to. Art for the people in public spaces. More.

Bubble wrap

Partner ay packaging tape yung brown. Dahil sakin yung masking tape ginamit ko nasisira yung bubble wrap kapag tinatanggal ko.

Siguro packaging tape talaga kapag plastic.

Mech Pen

Nahanap narin ang mech pen na bigay ni Jude. .7. ginagamit ngayong pang-illustrate.

Tsub Tsa Tagilid

Teks project. Ongoing. Ginagawa. Di pa napaparami. Meron nang konti.

Disqus for Gerome Soriano