Wuhoo!!!
Number two na!
Let's go
Burpee
Akala ko blurpee.
5 minutes daw
Eh di ko kaya ahahahhaha. kaya hanggang kaya lang konting push pagmaytime
Maingay na kapitbahay
Maingay ang kapitbahay namin sa bagong bahay. Medyo nabawasan na kasi umalis yung katulong nilang mahilig magpatutog ng malakas.
Puro we can learn to love again amp. ewan ayos lang din pagtagal tagal medyo nakakayanan din.
Praktis ng pasensya kulang ako dun eh.
Sustainable Joe
Mahilig ako dun sa mga off the grid stuff. at nakita ko tong channel ni Sustainable Joe.
Isang bagay na mahalaga dun sa huffpost link ay na ang cultural revolution ay halos walang silbi kung walang individual revolution. Parang kung mapapatalsik mo nga ang ruling class ngayon. Sino naman ang papalit mo?
Kung walang individual revolution na nangyayari sa spiritual, selflessness level wala din sense. Baka nga mapalala mo lang yung sitwasyon kung magkataon na mas masahol pala ang niluklok niyo.
Parang yung nangyayari lang sa bansa natin :(
Kaya diba sabi nga nila be the change you want to happen. Pero dugdungan natin ng but be political engaged to cause the change you want to happen.
Pwede ba???
Agendas
Ah si Nino ata pangalan nun basta yung taga Concerned artists of the Philippines na nagsabi na lahat ng ginagawa natin ay propaganda. Hindi man obvious. Hindi man natin alam.
Kung puro magaganda bulaklak ang pinipinta natin dahil agenda natin yun may idealogy tayo na sinusulong.
Kung puro abstracts ganun din.
Diba ang galing. Parang !#@!$(*! oo nga noh.
So yun may agenda din ako kahit di ako SR.
Itak sa puso ni Mang Juan
Number two na!
Let's go
Burpee
5 minutes daw
Eh di ko kaya ahahahhaha. kaya hanggang kaya lang konting push pagmaytime
Maingay na kapitbahay
Maingay ang kapitbahay namin sa bagong bahay. Medyo nabawasan na kasi umalis yung katulong nilang mahilig magpatutog ng malakas.
Puro we can learn to love again amp. ewan ayos lang din pagtagal tagal medyo nakakayanan din.
Praktis ng pasensya kulang ako dun eh.
Sustainable Joe
Mahilig ako dun sa mga off the grid stuff. at nakita ko tong channel ni Sustainable Joe.
Tapos napanood ko din yung "The Cove" na docufilm na tinutukoy ni Kuya Veejay sa talk niya nung sa Greenpiece. Grabe nakakagalit na ewan. Kasi wala naman matutulong ang galit.
Pero astig din na nahapan nila ng paraan pano ibabahagi ang kwento na yun sa tamang paraan at panahon. Sana nga mahinto na yung practice na yun.
Tapos meron pa kong nabasa tungkol sa zero waste. Yung isang bote lang ng basura ang nagawa ng pamilya nila sa loob ng isang taon.
Ito o:
Ayun nonsense naman kung paguusapan natin ang pagiging "green" pero di naman tayo aaksyon.
At nonsense din naman ang karamihan ng info sa internet tungkol dito kasi karamihan ay malaki ang financial investment na kailangan at pang malakihan ang scope.
Kaya dito muna ako sa simple, practical at applicable.
Gusto ko rin pagaralan yung urban farming. Meron kami dito sa bahay eh. Medyo fail lang. Yung kamatis na pinalaki namin namatay na :( yung patatas di pa dumadami.
Sino ba may alam sa ganito patulong naman. Yung calamansi antagal di dadalawa ang binunga.
Patriotismo number 1
Talk na organized ng ugatlahi. Sa may national press club. Sa may intramuros.
Ayos andami kong natutunan. Nung una ayokong magpunta kasi averse ako sa mga revolutionary, violence promoting, propaganda art.
Pero ayos tong talk na to andami kong nalaman at nalaman ko na karamihan ng mga assumptions ko tungkol sa Social Realism art o SR ay mali.
At napakaganda din ng history ng movement na to.
Documentation
Nabanggit nga ni Sir Ato ang pangangalingan ng documentation o archiving para sa mga gawa nung era nila.
Sabi niya natatalo daw tayo ng Singapore pagdating dito. Di ko alam ibig sabihin nun.
Pero ayun nga ang daming art na magaganda dito at nung panahon nila na hindi alam ng publiko e kahit nga mga art practitioner eh.
Ito gusto ko talagang tumulong dito. Kaso napagisip isip muna ako kasi masamang magpadala sa emosyon kaya di ko muna inapproach si Sir Ato paghkatapos ng talk.
Pero ngayon alam ko na gusto kong tumulong dito. Bilang photographer.
Photodocumentary
Pakiramdam ko nagkokonek din to dun sa sinabi sakin ni Dito.
Yung isa sa artist in residence nila sa 98b nung nakaraan. Na gumawa ako ng photodocumentary project. Dahil pwede din yung maging contemporary photography. o ipresent as.
Na pwede ding idugtong dun sa talk ni Debbie Ding dun sa Silverlens sa exhibit ni Ms. Wawi Navarozza.
Yung tungkol sa archiving, documentation at collecting. Ng mga bagay bagay na sa tingin nila ay may significance.
Na makikita mo naman kapag nabuo na yung show. O at least sa akin nakikita.
Kaya interesado talaga akong malaman kung ano yung ibig sabihin ni Sir Ato dun sa pangangalingan ng documentation at kung paano niya naiisip na ibagi yung information na yun.
Ang Problema
di ko alam kung pano ko siya makokontak. Kung sino man ang makakatulong. Please patulong na makausap ko si Sir Renato Habulan tungkol dito sa interes ko sa idea niya.
Sabi niya nga habang buhay pa sila.
Mark Justiani
Ang galing ng observation ni Sir Justiani (kapag Sir Mark sinabi ko si Mark Salvatus yun) na walang Philippine art history dito sa Pilipinas.
Oo nga naisip ko sa UST wala din kaming ganun.
Tapos nung nakausap ko rin si Simkin de Pio napagusapan din namin na kung interesado akong magtrabaho dun sa space nila (assuming) na kailangan ko malaman ang art history ng Pilipinas.
Na sa tingin ko ay magagawa mo lang sa pamamagitan ng pagbili ng mga mamahalin na mga artist books. At pagdudugdungin mo pa ang mga kwentong yun.
Ako di ko kilala dati sila Chabet. Si Botong kilala ko medyo kasi interesado ako sa gawa niya. Si Bencab habang mas nakilala ko mas lalo akong napapangitan sa gawa niya at dahilan niya sa paggawa. Si Amorsolo tinuro samin kasi may parang campaign sa kanya nun. Si Luna ewan ko kung bakit niya ginawa ang spoliarium.
Ewan ang daming ewan.
Sila Lirio, Alwin, Salvatus, Leeroy, Mideo, Imao natutunan ko lang kasi ginusto ko.
Puro Michaelangelo, Matisse, Picasso at ibapa ang alam ko mula sa college education ko.
WTF!!!!?
Well yun sa tingin ko dapat may gawin ako dun. Kaso di ko pa masyadong maisip kung pano gagawin eh. Sa tingin ko konektado din to dun sa sinasabi ni Sir Ato.
Bacolod
Dun pala sa Bacolod yun yung church of the Angry Christ. Again ang galing ng observation ni Sir Justianiani na yung mga figures dun ay brown skin.
Parang tao mga Pilipino. Si Jesus brown skin short hair at Pinoy proportions, parang bansot kung ikukumpara mo sa typical depiction ni Jesus.
Tapos yung station of the Cross brown skin din si Jesus pati yung mga characters. Tapos yung Roman soldiers nakabihis ng contemparary military attire.
Ang galing diba.
Sir Buen
Ayun di ko alam kung narecord ko to. Pero sabi ni Sir Buen ang daming nagvideo, nagdocument ngayon ah kaso ano mangyayari diyan.
Pano niyo ipapamahagi yan. Ang problema naman ngayon ng dissemenation.
Dissemenation
Ang pagkakalat, pagbabahagi, pagpapasapubliko ng mga impormasyon.
Paano si Debbie Ding may blog at flickr account kung saan niya sinishare ang kanyang mga "research".
Si Wawi naka-note down ang mga sources ng mga soils, rocks, at plants nung mga terrarium para dun sa exhibit niya.
Si Dito kumukuha ng mga litrato ng muka ng tao dahil hindi siya magaling sa pagrecall ng pangalan.
Ako dito sa blog at minsan sa facebook.
Yung recording po nung talk medyo late darating pero parating na yun :)
Vajrayana
Si Karmapa ang nabigay ng refuge ceremony nung nagdesisyon akong magcommit sa Buddhism. Si Trinley Tharye Dorje. Hindi po si Ugyen.
Ayun under sa vajrayana tradition o mistakenly but famously known as tibetan buddhism.
Karma Sonam pala Buddhist name ko.
Na sa pagsesearch sa internet ay something close sa Virtuous Boy ang meaning.
So yun ngayon sinusubukan kong intindihin ang mas esoteric part yung tradition. Yung mga kwento ng mga Mahasiddhas at yung parte sa Tantric Sex.
Gustong kong intindihin dahil sa tingin ko hindi nakakabuti ang paghuhusga na masama ang sex sa problema natin sa overpopulation. At sa paggamit ng mga tao dito na pabata ng pabata bilang means para maglabas ng steam.
Ako avert ako dito dahil sobrang yaman ng history ng sex na ginamit sa masama. Pero dahil lahat ng bagay ay "empty", may infinite potential at possibilities, sa tingin kung mas maiintindihan ang bagay na to pwede tong magamit sa mabuti.
Parang yung stand ko rin na kung hindi gagamitin ng mga mabubuting tao ang "capitalism" para sa advantage nila gagamitin ito ng mga "masasamang" tao.
Parang yung ginawa ni Daenarys Targeyen sa game of thrones para masugpo ang slavery naging siya ang pinakamalaking slaver.
Ganun ba
Yung dun sa mga mahasiddhas medyo malayo pa ako na malinawan medyo selfish kasi sila ngayon sa paningin ko eh. Buti na lang na dyan sila Avalokiteshvara para maglinis ng ibang kalat nila.
Logotherapy
Naniniwala ako sa preparation at dahil naaamoy ko na may paparating na delubyo sa buhay ko baka malaki ang maitulong ng libro na to.
Kaya yun bumili ako ng Man's Search for Meaning ni Victor Frankl.
Ito medyo di ko pa rin ma-gets lalo na dun sa paggamit ng apathy.
Pero medyo gets ko na yung paggiging magaling sa paghawak sa suffering na dinadanas mo. Parang masyadong masculine yung idea.
Pero di din siguro parang ano siya eh pagiging Professional Sufferer.
Parang ganun na ewan.
Para sa mga hindi alam ang kwento ni Victor Frankl psychotherapist siya na naghirap sa mga concentration camps ng Germany nung panahon ng World War two o ang Third Reich.
At ginawa niyang real life test ng idealogy niya na tinatawag niyang logotherapy ang sariling niyang paghihirap dun sa mga camp.
So kung lahat ng bagay ay "empty" ito siguro ang isa sa mga extreme example nun.
Ang tanong ko ngayon paano ko magagamit ang mga idealogy dito sa buhay ko.
Ayan kailangan pang pagnilayan.
Wag mong ikumpara ang menudo sa cupkeyk
Ipagcomplement mo sila :)
Bodhisattva Business
Ayun naiisip ko yung sinabi ni Ann Rea sa artistswhothrive blog na hindi artist career dapat ang iniisip mo kung di artist business.
At sa tingin ko tama yun.
At naisip ko rin kung tama sa para sa mga artist yun siguro tama din yun para sa mga Bodhisattvas (enlightened beings o enlightening beings o mga beings na papunta sa buddhahood o nagdedelay ng buddhahood para makatulong sa iba) na hindi rin career ang ginagawa nila kung hindi business.
Parang si Bodhisattva Vimalakirti full corporation ang pinapatakbo niya para makatulong sa ibang tao. Businessman siya, asawa, politician at marami pang ibang bagay. Ginagawa niya lahat para makatulong.
Kaya idol ko yan eh.
Isang bagay na mahalaga dun sa huffpost link ay na ang cultural revolution ay halos walang silbi kung walang individual revolution. Parang kung mapapatalsik mo nga ang ruling class ngayon. Sino naman ang papalit mo?
Kung walang individual revolution na nangyayari sa spiritual, selflessness level wala din sense. Baka nga mapalala mo lang yung sitwasyon kung magkataon na mas masahol pala ang niluklok niyo.
Parang yung nangyayari lang sa bansa natin :(
Kaya diba sabi nga nila be the change you want to happen. Pero dugdungan natin ng but be political engaged to cause the change you want to happen.
Pwede ba???
Agendas
Ah si Nino ata pangalan nun basta yung taga Concerned artists of the Philippines na nagsabi na lahat ng ginagawa natin ay propaganda. Hindi man obvious. Hindi man natin alam.
Kung puro magaganda bulaklak ang pinipinta natin dahil agenda natin yun may idealogy tayo na sinusulong.
Kung puro abstracts ganun din.
Diba ang galing. Parang !#@!$(*! oo nga noh.
So yun may agenda din ako kahit di ako SR.
Itak sa puso ni Mang Juan
Itong piyesa na to ilang beses tong nabanggit dun sa Patriotismo Number 1.
Nakita ko to dun sa exhibit sa Metropolitan museum.
At napakalakas ng piyesa na to para sakin.
Galing talaga.
Bugi
Jose Tence Ruiz
Siya yung gumawa nung itak sa puso ni mang juan yung sa taas.
Siya yung gumawa nung mga corals at jellyfish mural na ganap sa edsa.
Siya yung tinutukoy na kaibigan nila Sir At at Ma'am Katya.
At siya ang bago kong idadag sa mga idol ko :)
Yung Ganap sa edsa di ko gets nung una. Napapangitan pa nga ako dun eh. Pero nung nakita ko ang mga gawa ni Ruiz mas nagetgets ko na siya.
Social Commentary
Sa tingin ko wala talagang bagay na Social Realism merong lang bagay na Social Commentary.
Sabi nga sa sutras lahat ng bagay ay illusion.
Magical illusion di ka mo masasabing totoo pwede ka lang magcomment sa kung ano ang naranasan mo.
Simplicity
Sa tingin ko at sa tingin ng iba dun sa talk sa ugatlahi na mas simple mas malakas at mas makakarating ang mensahe.
Naalala ko tuloy ang strategy ng mga jurors sa iskul ng kaibigan ko. Na dapat maexplain mo ang thesis mo sa 3 year old child.
Magkukunwari silang bobo. At kung di mo sila mapapaniwala sa thesis mo well lagapak ka.
Diba ang galing.
Simple pero effective na metric.
Lightning Murals
May ganun pala sobrang bilis na collective production ng murals. Ginagamit daw nila dati sa mga protesta. Parang on the spot commentary mural-making :)
Narrative
Balik ulti tayo sa narrative. Narrative.
Struggle - Victory
Asan ang struggle alin ang victory.
baka yung ang di malinaw kung ano nga ba ang victory.
Universal Goodness
Apir Sir Ato!
Ayan sa tingin niya ang mas higit pa sa kahit anong political agenda ang gustong maipamahagi, maipinta, maisabuhay ng isang artist.
Immediate nga lang ang political agenda kaya minsan napagiiwanan to.
Girlfriend
Ang kaibigan kong seaman ay nalulungkot at nagplaplano na siyang maghanap ng kanyang susuyuin at papaibigin.
Pati yung isang kaibigan ko busy sa panunuyo sa crush niya.
Ewan ko ba naging indifferent na ako sa ganitong topic.
Sabi ko ng papabaog na lang ako eh. Mas healthy yung ganun eh.
Yung sakit ng aming namayapang aso si Lancie ay konektado sa hindi niya pagiging baog.
Ewan? siguro defense mechanism ko lang to. Pero pwede naman maging masaya ng baog diba ahahahah
Koan
Dahil medyo weird at mahirap maintidihan pa para sa akin ang mga esoteric practices ng vajrayana sa mga koans muna ako magcocontemplate mas gets ko sila eh.
At sa koan ako unang naka-realize :)
That is bullshit talking
Stephen Pressfield
Gone, gone, gone beyond, gone far beyond
gate, gate, parasamgate, bodhi svaha
Embodidong Puti
First time kong makakain ng imbodidong puti. ayos din pala.
Deonat
Deodorant na tawas. Tawas na istik.
You are
the summation of the 5 persons you spend most of your time with
UP epsi
Sa UP faculty center ang talk na engaging publics
Claro M. Recto hall
parang meeting sa senado. round table. parang korte.
korte ng mga artist.
Tutok
Ito ang alam ko ngayon kapag Tutok ang nagorganize sulit na puntahan.
Alma Quinto - therapy, calamity, comfort, travel, philippines, caregiving
Mark Salvatus - Escolta, PSP, owner's association, business revival, outsiders go slow
Katti - academic setting, teaching, grants, mfa, pottery, funding, meditation, comfort, sophistication, fine, old people
Boyet - Cos, Mideo, discussion, history, activism, Alwin
Wire - Angono, mischief, lateness, botong, tattoo,
Bugi - private/public dilemna, kaisahan, edsa jellyfish, itak sa puso, commentary, newspaper editorial
The Lie of Perfection
Research on sex
nicole daedone
orgasmic sex
The rape of Yeshe Tsogel:http://www.keithdowman.net/vajralove/rape.htm
makelovenotporn
Parallel Exhibit openings
Parang nauuso ngayon yun ah.
yung sabay-sabay na opening sa isang lugar.
ayos din para mas matagal ang usapan. mas madaming titigan na artworks. mas pwedeng pumili kung ano ang trip mo.
at tipid din sa parte ng gallery owners.
Silverlens thursday
Asig ang opening nung thursday
Maya Munoz - pa-deep, abstracts, roses, rainbows, satori, di ko masyadong trip
Dina Gadia - old magazines, sexuality, "normal", humor lot's of it, collage, installations
Christine By - kaleidoscopes, pano kapag nabulok na yung flower sa loob ng kaleidoscope, o baka peke yun, plasctice na flower, origami, drawing/illustration on origami, trip ko tong gawa na to
Green Papaya Friday
Maling side napunta sa NIA.
Kabilang side pala ng edsa. Malayo papunta malapit pabalik.
Tungkol sa mga sex workers. Mga online ads nila.
Akala ko original photos o may talk nung una late na ako nakarating eh mga 7:20 alas sais ang sched.
Baka ayun ang prologue.
Di ko trip
Kanya-kanyang trip
Kanya-kanyang trip. Remain open pero kanya-kanyang trip.
Agree to disagree ika nga ni Ros.