FutureXSaturday Market



Kinakabahan talaga ako nung Future Market nitong June 15 kasi baka umulan at kakakunti ang magpunta.

Pero ayos naman. Sabi nga ni Krishna kay Arjuna we have the right for the work but not for the results.

So practice excellence na lang at gawin ang ating kaya.

May mga bagay ako na inimprove mula dun sa nakaraan na Market.

Hiniram ko yung malaking maleta ni Mommy ko para mas madami akong madala. At mas marami nga akong dinala.

Di na ako nagdala ng nakaframe dahil mabigat mas pinili ko na magdala ng mas marami.

Nakabili din ako ng led light na nagamit ko.

Para ilawan ang bagong gawa ko na collapsible rack para mas madaling i-browse yung mga gawa ko. At hindi ma-damage din.

Nagdala na din ako ng latag.

At hindi na sila Camz(Black Soup) ang kasama ko sa booth. Si pareng Ros na nakilala ko dun sa book-binding workshop ni Mira.

Resin sculpts ang specialty ni Ros specifically mga resin pipes. Parang ang kaibigang si Eriko Pedojan nga tumawa si Ros eh.

Nagtaas din ako ng presyo na hindi nagustuhan ng iba. Pero mas ayos para sakin kasi mas determinado ang mga kumukuha ng gawa ko. At hindi sumusubok manghingi ng discount. Hindi lahat ng gawa. Yung Kite Aerial photographs lang.

May bagong zine pati ako na nadagdag ang Artist's Notes number 1. 50 pesos. Mga notes galing sa mga talks na na-attendan ko.

Tapos sangkatutak nung mga poster/books na tinuro ni Dito. Iba-ibang topic. Mga iba ibang gawa ko. sunsets vs buildings, transmission number 1, kite aerial photography, kaleidoscope world, at caustics.

Nadun din si Pareng Ian at si Pareng Jerel.

Si Pareng Jerel nagbenta ng mga vintage at secondhands mula sa kanilang family vintage collection.

Si Pareng Ian nagbenta ng mga gawa niya mula dun sa thesis work niya. Naudyok ko siya na sumali. At nakabenta naman siya. Yehey!!!

At si Sir Lorenzo Gabutina na inimbitahan kung umattend nung nakaraang Future Market pero di nakapunta. Kumuha siya ng pwesto ngayon at nagbenta ng kanyang mga very original digital artworks/photographs prints.

At dahil SaturdayXFuture Market siya. Mas halo-halo ang mga taong nagpunta mas marami din ang taong nagpunta.

May mga foreigner din na dumaan na parang parte ata ng tour sa Escolta. Ewan di ko natanong.

Tapos yung ibang na-meet ko nung last na Future Market na mga artists nadun din at may mga nadagdag din.

Yey Art! Next month ulit. 

Disqus for Gerome Soriano