Estudyante


Iniisp ko yung sinabi ni Kuya Anjo tungkol sa pagiging estudyante at matuto palagi. At iniisip ko rin kung paanong parang school project presentation yung presentation ni Sir Mark tungkol sa art spaces nung talk sa CCP.

Iniisip ko parang sa school environment din ang art. Gagawa ka, idodocument mo, gagawa ka ng papers na nageexplain sa background mo at kung tungkol saan ang gawa mo, isusubmit mo, magprepresent ka. Parang school din.

At inaalala ko rin yung mga pinakanaasar at pinakanapikon ako na talks na napuntahan ko. At napaglinaylinayan ko na ang dahilan kung bakit naaasar ako ay dahil parang tamad na estudyante ang presentor.


Parang yung weird na kakaklse ko na nagsasalit ng nagsasalita lang na sabi niya isturbuhin lang daw siya kapag may tanong pero di naman siya humihinto para maghintay sa tanong. Tuloy-tuloy lang siya. Kahit nakikita niya na naweiweirdohan na ang mga tao sa kanya.

Parang yung kaklase ko na monotone magsalita. Parang computerized phone answering machine. Please try again later. The telephone number you dial is busy for the moment. Your current balance is three. thousand.and.fifty.pesos. T$@!$@!@ ang boring at parang wala siya pakielam.

At meron din yung walang paghahanda na ginawa na kahit ano. Yung nagbabasa diretso sa libro habang dinidiscuss yung nirereport niya. Yung basa tapos explain ng binasa na mali-mali pa o puros presumption ang laman.


Iniisip ko rin yung mga standards ng mga teacher at professor ko dati.

Yung tipong nagrereklamo kapag tadtad ng text ang presentation at binabasa mo lang.

O kaya yung sobrang boring na natutulog yung prof.

O kaya yung pabawas ng pabawas yung grade mo kata uka sa illustration board na isusubmit mo.


Hindi ko naman sinasabi na maging parang estudyante na puno ng mga walang kwentang batas. At kopyahin ang benteng pahina ng history book mo dahil trip lang ng titser mo.

Ang gusto kong sabihin ay makakatulong sayo at ma-aappreciate ng mga taong nasa paligid mo kung mag-eexert ka ng effort sa mga ginagawa mo. Effort na katulad o mas higit pa sa binibigay mo nung estudyante ka.

Alam ko minsan nakakatamad dahil walang deadline o walang grade na lalabas o wala kang star na matatanggap kahit na gawin mo ng maayos.

Pero isipin mo career mo na 'to mas malaking bagay to kesa sa pagiging estudyante. Buhay mo na to ito na gagawin mo sa buong buhay mo.

Kahit na rak en rol ka sa paggawa mo sa tingin ko dapat matino pa rin at may effort ang mga presentation mo.

Sa tingin ko lang.

Disqus for Gerome Soriano