Gabi na yun. Nagvovolunteer akong
gumawa ng mga graphics para sa monasteryo.
Kakain na daw. Kain muna.
Pagkatapos kumain ng vegetarian
dinner. Nagpatulong sila Master Jian Yin na magbuhat ng mabibigat na box galing
sa cabinet. At mabibigat talaga sila, nagulat nga ako sa bigat nila eh.
Sinubukan ko itong ilapag sa sahig
pero bawal daw. Oh mahalaga siguro laman nito.
Nilabas namin. Tiningnan at may mga
dumi. Dumi daw ng mga ipis sabi nila Master.
Yung kumuha kami ng tissue konting
alcohol at pinunasan.
Habang pinupunasan naman yung mga
libro tinanon ko si Master Jian Jun kung ano ang laman nung libro kung tungkol
saan daw yun.
Sutra
daw yun para sa klase mamaya. Advanced class sa Buddhism. Chineses. Mandarin class. Sutra ibig sabihin
discourse.
Isa daw yung nakakatawang sutra.
Kung saan natalo ng isang layman, isang normal na tao, hindi monghe, ang mga
monghe at mga bodhisattva sa mga diskurso. Na lahat sila
ay natatakot makipagusap sa taong yun.
Hmmmm. Hindi ko pa naririnig yung Sutra na
yun ah. Ang narinig kong itinuturo sa Sutra class ay yung Shurangama Sutra na
di para sa akin.
Tapos balik na ulit sa baba. Sa
opisina nila Master kung saan ginagawa ko yung mga graphics.
Akala
ko nagtratrabaho si Marter Jian Jun. Oo nagtratrabaho ang mga monghe dun. Parang office worker
nga sila eh. Daig pa nga. Madalas maghapon si Master Jian Jun sa harap ng
computer kakaayos ng mga hnad-outs para sa mga klase.
Tapos yun tinawag ako ni Master Jian
Jun at inabot sakin ang isang papel kung san nakalagay ang translation sa
english nung Sutra. Chinese title kasi nung sutra ang alam ni Master.
Ayun Vimalakirti Sutra.
Paguwi sa bahay hinanap ko yun at
nakita ko ang translation ni Bob Thruman.
Nakakatamad lang basahin yung
Dedication at Refuges sa umpisa kaya nilaktawan ko pero pagdating ko dun sa
umpisa ng mga discourse.
Ang galing. Ang galing nung mga
description ni Vimalakirti parang wow! may ganitong sutra pala.
Mas gusto ko 'to kasi mas
nakakarelate ako bilang layman.
Ang galing kung paano criticize ni
Vimalakirti ang kakulangan ng mga monghe sa application ng mga natutunan nila
mula kay Buddha. At ang kakulangan ng mga Bodhisattva sa kanilang skills para
makatulong sa ibang nilalang.
Mula noon at hanggang ngayon isa ang
Vimalakirti Sutra sa mga payborit at binabalik balikan kong Sutra.
Isang title niya pa ay '"The
Reconciliation of Dichotomies" sutra.