Rick Hanson


Isa pa sa mga writer na nahanap ko dahil dun sa interview ng pocketschanged.com kay Jacob Sokol ay si Doctor Rick Hanson.

Ewan ko Psychologists ata siya o Neurologists. Gustong gustong gustong gusto ko ang gawa niya dahil pinalinaw niya para sa akin ang mga bagay-bagay tungkol sa positive psychology, kung paano gumagana ng utak natin at kung paano natin ito maaring ituro sa mas magandang patutunguan, at ang mga pag-eexplain niya sa mga buddhist idealogy in-line ng psychology at neurology.

At galing. Masaya. At praktikal. Dahila ma-aapply mo talaga sa buhay mo kung gusto mo.

Ang galing nung narration niya kung paanong mas ini-emphasize ng utak natin ang mga masasamang experiences para makasurvive ang specie natin.

Kasi ang nerbyosong homo sapien ay mas makakatakas sa gutom na saber-tooth tiger kung takot siya at nag-iingat sa saber tooth tiger.

Pero may mga paraan kung paano natin pwedeng gawin na maingat parin tayo sa mga panganib pero mas willing tayo magtry ng mga bagay na maaaring makabuti sa atin. At para mas maappreciate din natin ang mga mas mabuting pangyayari na madalas ay natatabunan ng defense mechanism natin laban sa mga bad experiences.

So yun try mo at magbasa ka ng mga gawa ni doctor hanson.

Disqus for Gerome Soriano